Tuesday, July 23, 2019



Related image Kompyuter (Computer)
- Ito ay isang elektronikong kagamitan na silidan ng kaalaman at kaisipan. Ginagamit ito na nakaprograma at nakapagsasagawa ito ng aritmiko at lohika na pag-aaral. Isa itong teknolohiya na ngayon ay popular sa iba't ibang lugar dahil sa iba't iba nitong gamit nakapagpapatunay din na mas nakaktulong ito sa isang indibidwal upang magsagawa ng gawain na may kaukulang malalim na pag-aaral. Nakakatulong din ito ngayon sa mabilisang pagsasagawa ng isang gawain na kaakibat ang teknolohiya. Dahil sa kaugaliang lagi natin itong gamit maaaring sa tama o sa maling kilos dapat isinasaalang-alang natin ang pag-iingat mula dito. Narito at basahin sa ibaba ang nilalaman ng paggamit nito.
                       


Image result for Mouse at keyboardMouse at Keyboard
Ito ay ang dalawang importanteng bagay na di maihihiwalay sa kompyuter. Ginagamit ang mouse upang magkontrol at makapunta sa nais mong gawain. Ang kumbinasyon ng mga key sa keyboard ay nakakatulong upang gawin ang isang gawain sa programa.


Image result for windows 10Ang Windows 10 ay ang pinakabagong bersyon mula sa Windows 7 at Windows 8.1. Pinagsama ng bagong bersyon na to ang mga tampok mula sa dalawang naunang installment upang umangkop sa mga gumagamit sa mahusay na paraan sa parehong desktop/laptop na kompyuter pati na rin sa mga mobile devices.

May dalawang pwedeng pagpilian kapag mag-iinstall ka ng Windows 10 sa iyong kompyuter ito ay ang una UPGRADE kapag ito ang ginamit mo ang lahat ng iyong mga dokumento at aplikasyona  ay manantiling hindi magbabago pangalawa ang CLEAN INSTALL ito naman ay ang kabaligtaran ng nauna kumbaga magsisimula kang muli mula sa simula.


WINDOWS 10- Pagsisimula
Kapag natapos mo na ang pag update o pag install ng Windows, makakatanggap ka ng Welcome Screen na may oras at petsa pagkatapos pwede mo na pindutin kahit ssan para pumunta sa User Accounts Screen.

User Accounts ScreenHinahayaan ka ng screen na ito na gumawa ng sariling account na maari mong magamit sa Windows Desktop ito ay makikita sa mababang kaliwang sulok lagyan ng password kung maaari at pagkatapos makikita mo na ang Windows Desktop.




Windows Desktop
Dito mayroon kang access sa isang hanay ng mga tool tulad ng Start Menu, Taskbar, at iba pang mga icon. Ipinapakilala din ng Windows 10 ang kahon ng paghahanap sa Taskbar, na nagpapabilis sa pagbabasa ng iyong kompyuter at Web.




Bahagi ng Windows
Makikita mo sa itaas na bahaging kanan ang tatlong pindutan. Ang mga ito ay makatutulong sayo upang magsagawa ng maraming functions. Narito at alamin natin kung saan at paano ito ginagamit:

  • Tinatawag itong Minimize button, na kapag pinindot mo ito ay maitatago nito ang mga aplikasyon na iyong binuksan at mapupunta ang mga ito sa taskbar. Maaari mo ulit itong makita kapag pinindot mo ang aplikasyon na iyong ginamit mula sa taskbar sa ibaba.
  

  • Ito naman ay tinatawag na Maximize button, kapag pinindot mo ito sasakupin ng isang aplikayon ang buong screen.


  • Kapag ang screen ay nasa maximize o nasakop na nito ang buong screen papalitan naman ito ng tinatawag na Restore button kapag pinindot mo ito ay magbabalik ang iyong aplikasyon sa orihinal nitong sukat.  

  • Ito ay ang tinatawag na Close button ito ang ginagamit kapag ang isang aplikasyon ay nais mo nang tanggalin.

Feature Different Icons

Ang isang Icon ay isang graphic na representasyon lamang ng isang aplikasyon o dokumentoUpang bukasan ang isang icon, kinakailangang ito ng dobleng pindot.
Isa pang bahagi ng Desktop ay ang Background. Ito ay ang imahe na lumilitaw mula sa likod ng iyong screen. Pwede mo din ito baguhin sa anumang larawan na gusto mo. Una pindutin lang ang Personalize pagkatapos piliin ang imahe na nais mo ilagay sa iyong screen.
Personalize




Kahit na ang halaga ng mga icon ay mag-iiba, depende sa kompyuter, maari ka magdagdag ng higit pang mga icon gamit ang mga hakbang na kailangan mong sundin at maaari mo din ilipat ang mga ito sa pamamagitan ng pagpindot at ilagay ito sa isang lugar sa screen.





Start Menu



Kung naghahanap ka ng tiyak na aplikasyon maaari mong buksan ang Start Menu at pindutin ang "Lahat ng mga Aplikasyon" at magbubukas ito sa alphabetong pagkakasunod sunod ng lahat ng aplikasyon na nakainstall sa iyong kompyuter.






File ExplorerKung nais mo hanapin ang tiyak na dokumento , pwede mong buksan ang File Explorer sa pamamagitan ng pagpindot nito sa Folder icon sa Taskbar.


Toolbar Features

1. BACK - kapag pinindot mo ito mapupunta ka sa nakaraang pahina na iyong ginagamit
2. FORWARD - mapupunta ka naman sa sunod mong ginagamit
3. REFRESH - ito ay kadalasang pinipindot kapag mabagal ang iyong koneksyon at para mapadali at makita agad ang iyong binuksan na pahina
4. NEW TAB - ito ay ginagamit kapag nais mong magbukas ng ibang pahina kasabay ng paggamit mo sa iba
5. HUB Favorites and History - dito mo makikita ang mga dati mong binuksan na web page dito pwede mo balikan ang lahat
6. WEB NOTES - dito pwede mong ilathala ang mga pumapasok sa iyong isipan na dapat mong tandaan
7. SHARE - dito ay kung nais mo ibahagi ang web page na iyong binuksan o ginagamit sa pamamagitan ng via email o at ang iba pang pamamaraan
8. MORE OPTIONS - pinipindot ito upang makita pa ang ibang mga dapat mong malaman na nilalaman ng isang web page.

Image result for shutdown windows 10Ito ang dapat mong pindutin kung tapos ka na at ayaw mo nang gamitin ang iyong kompyuter kailangan mo pindutin ang start menu at may makikita ka dun na shutdown sa may gilid at kapag pinindot mo yun may lalabas na dapat mong pamilian sleep panandaliang pagpapahinga, restart kung nais mong buhayin muli ang iyong komyuter at ang huli shutdown kung nais mo nang patayin ang iyong kompyuter may panandaliang paraan para mapatay ito kaagad pindutin ang ALT kasunod ang F4.

-Ito ang mga nais kong ibahagi na sana may malaman at makuha kayo mula dito. Nagsimula din ako nang walang nalalaman pagdating sa paggamit ng kompyuter kaya unti-unti ko itong inintindi at pinag-aralan mula sa ibang tao at sa aking sarili ngayon masasabi ko na kaya ko na gamitin ito. Kaya nais ko lang ipabatid na ang lahat ay nagsisimula sa pag-aaral upang matutunan ang isang bagay matagal man ito antayin kung kailan ka matututo pero ang mahalaga yung gusto mo na matutunan ito kahit na sa matagal na panahon ang iyong inilaan para dito. Maraming Salamat muli Magandang Araw!